Home HOME BANNER STORY Giyera tinapos na ng US, Iran

Giyera tinapos na ng US, Iran

1
0

UNITED STATES – Nagkasundo na ang US at Iran na tapusin na ang giyera sa pamamagitan ng isang peace framework na pinirmahan nitong Linggo, Hunyo 14.

Dahil dito ay ipahihinto na rin ang pagharang ng Iran sa Strait of Hormuz at muling pagbubukas nito.

“The Deal with the Islamic Republic of Iran is now complete,” ayon kay US President Donald Trump.

Ang post ni Trump ay kasunod ng anunsyo ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif, na nagsisilbing mediator ng bansa, na nagkaroon na ng kasunduan.

Opisyal na pipirmahan ang kasunduan sa Switzerland sa Biyernes, Hunyo 19 ayon kay Sharif.

Hindi pa tukoy ang eksaktong mga terms para rito.

Ani Sharif, ang kasunduan ay nanawagan ng “the immediate and permanent termination of military operations on all fronts, including in Lebanon.”

“Ships of the World, start your engines. Let the oil flow!” sinabi naman ni Trump matapos ang kasunduan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here