MANILA, Philippines – Makakaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Lunes, Hunyo 15.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC