MANILA, Philippines – Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 784 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang prisons at penal farms sa bansa.
Ang hakbang ng BuCor ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Nelson Mandela International Day.
Inihayag ng BuCor na sa kabuuan ay nasa 15,143 na PDLs na ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration.
Sa mga pinalaya, 486 ang napagsilbihan na ang kanilang maximum sentences, 165 ang napawalang sala, 122 ang nabigyan ng parole, 24 ang napagkalooban ng probation habang lima ay binigyan ng executive clemency.
“It all boils down to leadership. Even if you are incarcerated, you have that strength to forgive and forget and to move on and to lead your country to greater heights,” inihayag ni BuCor chief Director General Gregorio Catapang Jr. sa kanyang talumpati.
Si Nelson Mandela na dating Pangulo ng South Africa ay nakulong ng 27 taon dahil sa pagtutol nito sa apartheid system ng South Aftica.
Dahil sa naturang lider, nabuo ang Nelson Mandela Rules o ang Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners.
Sinabi ni Catapang na ito ang nagsisilbing gabay sa lahat ng bansa aa pagtrato aa mga PDL.
Dumalo sa seremonya sina South Africa Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, Australian Second Secretary and Consul Bindy Moore, Public Attorneys Office chief Persida Acosta, Justice Undersecretary Deo Marco, at Justice spokesperson Mico Clavano. TERESA TAVARES