Home METRO 8-anyos na tinangay ng malakas na agos ng Bagbag River, natagpuang walang...

8-anyos na tinangay ng malakas na agos ng Bagbag River, natagpuang walang buhay sa Paombong

1
0

BULACAN, Philippines – Isang 8-anyos na batang lalaki ang nalunod matapos tangayin ng malakas na agos ng Bagbag River sa Calumpit, Bulacan kahapon Agosto 24, 2026.

Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng hapon nang mangyari ang insidente habang nangunguha ang bata ng mga suso sa gilid ng ilog. Nadulas umano siya at nahulog sa rumaragasang tubig.

Agad na tumalon sa ilog ang kanyang tiyuhin upang iligtas siya. Sandali nitong nahawakan ang bata, ngunit napakalakas ng agos kaya muling natangay ito.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Kalaunan, natagpuan ang katawan ng bata sa Barangay Masukol, Paombong, Bulacan, na ilang lugar ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente. Natagpuan siyang nakasabit sa mga debris at water hyacinth sa ilog. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here