Home NATIONWIDE DOH handa sa posibleng pagtaas ng dengue cases

DOH handa sa posibleng pagtaas ng dengue cases

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na nakahanda ito sa posibleng pagdami ng mga kaso ng dengue ngayong tag-ulan.

Ayon kay DOH Secretary Edwin Mercado, mahigit 111,000 kaso ng dengue na ang naitala sa bansa ngayong taon. Gayunman, 27% itong mas mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Mercado na naglaan na ang DOH ng sapat na suplay para sa mga pasyenteng may dengue, kabilang ang mga pangangailangan ng blood banks at laboratory testing.

Ang dengue ay isang viral infection na naipapasa sa kagat ng infected na lamok at karaniwan sa mga bansang tropikal tulad ng Pilipinas.

May apat na pangunahing serotypes ng dengue virus—DENV-1, DENV-2, DENV-3 at DENV-4. Ayon sa World Health Organization (WHO), mas mataas ang panganib na magkaroon ng severe dengue ang taong muling mahawahan ng ibang serotype.

Wala pang partikular na gamot laban sa dengue. Kabilang sa pangunahing lunas ang sapat na pag-inom ng tubig at pagmamanman sa mga sintomas upang maagapan ang posibleng komplikasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here