MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12121 na lilikha ng 8 karagdagang korte sa San Juan City.
Ang RA 12121, pinirmahan ni Pangulong Marcos noong Pebrero 13, kinonvert (convert) o pinalitan ang apat na sangay ng Regional Trial Court (RTC) para sa Pasig City na matatagpuan sa San Juan City sa RTC branches para sa San Juan.
Kabilang dito ang RTC Branches 68, 160, 162 at 264.
Bukod sa newly-converted RTC branches, dalawang karagdagang RTC branch at dalawang iba pang sangay ng Metropolitan Trial Court (MeTC) sa National Capital Judicial Region ang nilikha at naka- stationed sa San Juan City.
Inatasan naman ang Korte Suprema na magpalabas ng kinakailangang rules and regulations para sa epektibong implementasyon ng RA 12121, “and, if warranted, the realignment of seats of existing branches and their territorial jurisdiction.”
Inatasan din ang Korte Suprema na ipag-utos ang pagtatalaga ng kani-kanilang branch numbers para sa mga bagong nilikhang sangay ng RTC at MeTC sa San Juan.
Nilikha din ng RA 12121 ang Office of the Clerk of Court (OCC) na may kaakibat na plantilla base sa bilang ng mga sangay sa nasabing station.
“The jurisdiction over cases emanating from the City of San Juan, cognizable by the proper courts under existing law, shall be lodged in the branches of the RTC or MeTC created under this Act, and in such other branches that may be subsequently created, organized and stationed in the City of San Juan,” ang nakasaad sa batas.
“The territorial jurisdiction for the RTC and the MeTC in the City of Pasig is hereby modified to exclude the City of San Juan,” ang nakasaad pa rin sa batas.
Minandato ng bagong batas ang Chief Justice, sa pakikipag-ugnayan sa Justice Secretary, na agarang isama ang programa ng korte sa pagpapatakbo ng “newly created at converted branches” ng RTC at MeTC sa San Juan.
Ang pondong kakailanganin para sa implementasyon ng RA 12121, kabilang ang appropriations para sa personnel services gaya ng mga sahod, benepisyo at emoluments, ay isasama sa taunang General Appropriations Act.
“The funds necessary for the operation of the created courts will be appropriated and released only upon the actual organization of the court and the appointment of its personnel,” ayon sa ulat.
Samantala, ang kopya ng RA 12121 ay isinapubliko, araw ng Miyerkules.
Ang batas ay magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation. Kris Jose