MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na sasampahan nila ng deportation charges ang walong undocumented aliens na inaresto sa Alabang, Muntinlupa City dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga online scam.
Nabatid sa BI na naaresto ng kanilang intelligence division ang mga dayuhan sa tatlong magkahiwalay na kalye sa loob ng isang eksklusibong village sa Alabang noong Oktubre 22 kung saan sa walong dayuhan, pito ay Chinese, habang ang isa ay Vietnamese.
Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na dalawa sa kanila ay overstaying alien at isa ang hinihinalang ilegal na pumasok sa Pilipinas.
Sinabi ni Viado na nakatanggap ang BI ng impormasyon na ang mas maliliit na mga scamming hub ay nabubuo pagkatapos ng pagsasara ng malalaking POGO hubs sa bansa.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Justice at iba pang law enforcement agencies para matiyak ang pagdakip at pagpapatapon sa mga miyembro ng sindikato. JR Reyes