Home METRO P1M cash tinangay ng 6 kawatan

P1M cash tinangay ng 6 kawatan

MANILA, Philippines- Ninakawan ng anim na armadong kakalakihan ang isang bahay sa isang eksklusibong subdivision sa Parañaque City, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Natangay ng mga suspek ang P1 milyong cash at alahas na nagkakahalaga ng P400,000. 

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, magkakilala ang mga magnanakaw at driver ng mga biktimang Chinese. 

Nadakip na ng mga awtoridad ang driver at dalawa pang driver na sangkot sa pagnanakaw.

Sinabi ng mga pulis na isa sa mga biktimang Chinese ang nabiktima na sa Binondo, Manila kaya may posibilidad na isang grupo lamang ang salarin.

Patuloy naman ang follow-up operation sa anim na armadong kalalakihan. RNT/SA