Home ENTERTAINMENT Kampo ng biktima ni John Wayne, nagsalita na!

Kampo ng biktima ni John Wayne, nagsalita na!

Manila, Philippines- Laking palaisipan sa mga kaanak ng biktima ang dahilan ng pamamaril ng dating aktor na si John Wayne Sace.

Ayon sa followup report ng PEP, ipinagtataka ng side ni Lynell Eugenio ang krimeng isinagawa ni Sace.

Sila na ang nagsasabi na magkababata sina Sace at Eugenio.

Pamilya rin ang turing ng mga Eugenio kay Sace.

Close na raw ang dalawa kahit pa bago pumasok si Sace sa showbiz.

Si Sace ay dating miyembro ng all-male dance group na Animè.

Nagkaroon din siya ng serye sa ABS-CBN, ang It Might Be You katambal si Maja Salvador.

Gumanap naman siyang anak nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa pelikulang Dekada 70.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasig City Police, naganap ang pamamaril dakong 7:26 pm sa Barangay Sagad sa Pasig.

Nadakip si Sace sa isang hotel sa Barangay Oranbo, ‘di kalayuan sa scene of the crime.

Apat na tama ng baril ang kumitil sa buhay ni Eugenio.

Ipinagtataka rin ng mga kaanak ng biktima kung saan kinuha ni Sace ang baril na ginamit niya.

Ilang oras matapos ang insidente’y nag-post pa si Sace sa Facebook ng may kinalaman sa panraraydor sa kanya tungkol sa droga.

Dati na rin palang may bisyo si Sace pero nangakong nagbago na.

Noong araw ding ‘yon ng krimen, nagyosi pa raw sina Sace at Eugenio, kaya hindi masabi ng kampo ng biktima na may matagal nang alitan ang dalawa. Ronnie Carrasco III