Home NATIONWIDE 8 patay sa suffocation sa refrigerated truck sa China

8 patay sa suffocation sa refrigerated truck sa China

CHINA – Patay ang walo katao matapos ang insidente ng suffocation sa isang refrigerated truck sa Hennan province sa China.

Sa pahayag na inilabas nitong Linggo, Hunyo 16, sinabi ng local investigative team na ang walo ay illegal na isinakay sa cold-chain vehicle patungo sa bayan ng Hongzhuangyang.

“The driver found eight people suffocating and unconscious in the car,” sinabi ng mga imbestigador.

Kalaunan ay idineklara ang mga itong patay.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber at iba pang mga responsable sa insidente.

Iniimbestigahan pa rin ang kaso.

Hindi pa malinaw kung ang walong nasawi ay Chinese nationals o mga dayuhan. RNT/JGC