MANILA, Philippines – Nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ang walong police officers sa Davao Region, batay sa pagkumpirma ng Police Regional Office 11 (PRO-11) nitong Huwebes, Nobyembre 28.
Sinabi ni Major Catherine Dela Rey, PRO-11 spokesperson, na pitong pulis ang nagpositibo sa random drug tests na isinagawa sa magkakahiwalay na pagkakataon, habang ang isa pa ay nagpositibo matapos maaresto sa buy-bust operation.
“I cannot provide specifics about their areas of assignment, but they are from the provincial police offices and the Davao City Police Office,” ani Dela Rey.
Inalis na sa pwesto ang mga nagpositibong pulis at dinisarmahan na rin.
Nagpapatuloy ang pre-charge investigations.
Kaugnay nito, iniulat ng PRO-11 ang pagkakakumpiska ng 62.29 gramo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P471,396 sa 24-hour operation na isinagawa mula Nobyembre 24 hanggang 25.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 12 drug suspects. RNT/JGC