MANILA, Philippines – Nakapagtala ng nasa 26 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Nobyembre 29 ang mga pagyanig ay sinamahan ng isang single volcanic tremor na tumagal ng dalawang minute.
Tinukoy ng PHIVOLCS ang volcanic earthquakes bilang “generated by magmatic processes or magma-related processes beneath or near an active volcano.”
“Unlike tectonic earthquakes that are produced by faulting, volcanic earthquakes are directly produced by many processes and are therefore much more varied in characteristics,” paliwanag ng ahensya.
Nitong Huwebes ng umaga, nakapagtala ang Bulkang Taal ng limang minutong minor phreatic o steam-driven eruption na nagbuga ng 1,500 metrong taas ng puting plume.
Sa pinakahuling update, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 6,307 metriko tonelada ng sulfur dioxide mula sa main crater ng Taal.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal. RNT/JGC