MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong bigtime tulak matapos makumpiskahan ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa General Trias City, Cavite.
Sa ulat nitong Biyernes, Nobyembre 29, inaresto ng mga operatiba ang mga suspek na sina Usman Unaid 54; Aguil Asaral, 50; at Camille Roda Ismael, 41, sa buy-bust operation sa isang open parking lot ng shopping mall sa Barangay Tejero bandang 8:50 ng gabi.
Ang mga suspek na pawang residente ng Tanza, ay nakuhanan ng 250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,700,000.
Iniimbestigahan na ng PDEA ang pinagkukuhanan ng shabu ng mga suspek.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC