MANILA, Philippines – TUKOY na ang lalaking bumaril at nakapatay sa isang 65-anyos na lolo kahapon, Nobyembre 28 matapos na makilala ang salarin, inireport sa Navotas City.
Dahil sa mga kuha ng nakakabit na CCTV sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, kitang kita ang ginawang pagpaslang ng suspek na si Erwin Sevilla sa biktimang si alyas “Solomon”, scrap metal agent at residente ng 18 Dr. C Bausa St., BBN, na nagtamo ng isang tama ng bala sa sentido na agad niyang ikinasawi.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nangyari ang pagpaslang sa Bausa St., Brgy. BBN alas-6:30 ng umaga noong Nobyembre 6 habang nakaupo sa isang bangkito ang lolong biktima.
Sa CCTV, nakita ang pagdaan muna sa harap ng biktima ang suspek bago bumuwelta at pa-traydor na binaril nang malapitan sa sentido ang senior citizen bago mabilis na tumakas palayo sa lugar.
Dail dito, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan matapos lumutang ang mga testigo na personal na nakakakilala sa salarin na madalas tumambay sa isang bar sa naturang lugar.
Bigo man ang pulisya na madakip si Sevilla matapos tumakas papuntang rehiyon ng Mindanao, isinampa na ng pulisya sa piskalya ang kasong murder laban sa salarin. Merly Duero