LUCENA CITY- Sugatan ang walong barangay tanod nitong Biyernes, Nobyembre 1, matapos mabangga ng isang jeep sa Batangas City.
Iniulat ng Police Region 4A (PRO-4A) na naglalakad ang mga tanod sa kalsada sa Barangay Tulo bandang alas-4:40 ng hapon nang mabangga sila ng isang jeep na minamaneho ni alyas “Gado,” 55.
Dinala sina Jocelyn Macatangay, 49; Raul Soriano, 55; John Rommel Dinglasan, 32; Alex Perez, 32; Nelson Casao, 49; Nick Banaag, 42; Danilo De Castro, 63; at Arnold Calaluan, 49, sa ospital upang gamutin.
Base sa mga pulis, nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang driver, kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan, nang maganap ang insidente. RNT/SA