Home NATIONWIDE Ombudsman nagpaliwanag sa pagbawi ng suspensyon sa ERC chief

Ombudsman nagpaliwanag sa pagbawi ng suspensyon sa ERC chief

MANILA, Philippines-  Hawak na ng nga imbestigador ng Office of the Ombudsman ang lahat ng mga dokumento na kailangan kaugnay sa kaso laban kay Energy Regulatory Commission (ERC) chief Monalisa Dimalanta.

Ito ang paliwanag ng Ombudsman kung kaya binawi na ang anim na buwan na suspension order laban kay Dimalanta na inireklamo ng isang consumer interest group.

Magugunita na Oktubre 1 ibinasura ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Dimalanta sa dahilang mayroong sapat na basehan ang suspension order.

Gayunman, naglabas ang Ombudsman ng kautusan nitong October 22 na nagbabawi sa suspension order.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na naisilbi na ang layunin ng preventive suspension dahil nakapaghain na ito ng counter-affidavit at hawak na ng mga investigator ang lahat ng mga dokumento sa kaso.

“What is simply left to be done is the submission of position papers and a clarificatory hearing.”

Iginiit ng Ombudsman na ang pagpapawalang-bisa sa suspension order ni Dimalanta ay kaiba sa pagbasura nila sa kanyang motion for reconsideration.

“The purpose of the suspension order is to prevent the accused from using his position and the powers and prerogatives of his office to influence potential witnesses or tamper with records which may be vital in the prosecution of the case against him.”

Dahil hawak na ng Ombudsman ang lahat ng dokumento bago ang six months suspension order, marapat na bawiin na ang kautusan sa interes ng hustisya.

“When the reason for the preventive suspension has already been ceased, justice and fair play demands that the preventive suspension should not be for the full six-month period allowed by law but should immediately be lifted.” Teresa Tavares