Home NATIONWIDE 8 unggoy natagpuang patay sa zoo sa Hong Kong

8 unggoy natagpuang patay sa zoo sa Hong Kong

214
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa Hong Kong ang sanhi ng pagkamatay ng walong unggoy, na natagpuang wala nang buhay sa pinakamatandang zoo sa Hong Kong nitong Linggo, Oktubre 13.

Ang mga hayop na ito ay ang De Brazza’s monkey, isang common squirrel monkey, tatlong cotton-top tamarins at tatlong white-faced sakis, na natagpuang patay sa Hong Kong Zoological and Botanical Gardens (HKZBG), saad sa pahayag ng Leisure and Cultural Services Department (LCSD).

Habang naghihintay ng resulta, isinarado muna ang mammals section ng zoo para sa disinfection at paglilinis.

“We will also closely monitor the health conditions of other animals. During this period, other facilities of the HKZBG will remain open,” dagdag pa sa pahayag.

Nagdulot naman ng pangamba ang insidente tungkol sa posibleng outbreak ng zoonotic diseases gaya ng monkeypox, na maaaring maipasa mula sa hayop papunta sa tao.

“Monkeys in captivity are often exposed to pathogens that can be transmitted to humans, including tuberculosis, Chagas disease, cholera, and MRSA,” ayon kay Jason Baker, senior vice president sa animal rights group na PETA Asia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here