MANILA, Philippines – May mababa hanggang katamtamang tsansa na may mabuong bagyo sa susunod na dalawang linggo, ayon sa PAGASA.
Anang ahensya, walang TC-like vortex (LV) ang kasalukuyang namamataan sa PAGASA monitoring domain.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na ang TCLV 1 ay posibleng mabuo sa eastern boundaries ng Tropical Cyclone Information Domain (TCID) at Tropical Cyclone Advisory Domain(TCAD) mula Oktubre 14 hanggang 20.
Mayroon naman itong “low to moderate likelihood” na mabuo bilang isang bagyo.
Samantala, malayo rin ang mga bagyo sa TCAD para magkaroon ng direktang epekto sa bansa.
Dagdag pa, namataan din ng PAGASA ang dalawang TCLVs na maaaring mabuo sa pagitan ng Oktubre 14 hanggang 20.
“TCLV 2 will likely develop over the eastern boundary of the TCAD, with low to moderate likelihood of TC formation,” anila.
Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang TCLV 2.
Sa kabilang banda, ang TCLV 3 ay maaaring mabuo aman sa West Philippine Sea, na may mababang tsansa ng pagiging isang bagyo. RNT/JGC