
USA, Philippines – Inanunsyo ni US Secretary of State Marco Rubio ang pagkansela ng 83% ng mga programa ng USAID matapos ang anim na linggong pagsusuri.
Bunsod nito, nakalos ang nasa 5,200 kontratang nagkakahalaga ng bilyong dolyar na aniya’y hindi nagsisilbi sa pambansang interes ng US.
Ang natitirang mga programa ay pamamahalaan na ng State Department, na nagdudulot ng kawalan ng katiyakan sa kinabukasan ng USAID, habang karamihan sa mga empleyado nito ay tinanggal na.
Ang hakbang na ito ay tugma sa “America First” na polisiya ni Pangulong Donald Trump, na nagpatigil ng dayuhang ayuda para sa muling pagsusuri.
Nagbabala ang mga kritiko na lubos na maaapektuhan ang milyun-milyong tao sa buong mundo na umaasa sa humanitarian programs ng USAID. RNT