Nawasak ang Archdiocesan Shrine ng Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan, Cebu matapos ang malakas na lindol.
MANILA, Philippines – Umabot na sa 848 ang naitalang aftershocks matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu, ayon sa PHIVOLCS nitong Miyerkules. Apat lamang ang naramdaman, na may lakas mula magnitude 1.4 hanggang 4.8.
Ayon kay PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol, inaasahang magtutuloy pa ang mga aftershocks sa mga susunod na araw o linggo, ngunit unti-unting hihina at bababa ang bilang. Binalaan niya ang mga residente na huwag munang pumasok sa mga bahay na may pinsala nang walang clearance mula sa mga engineer.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 63 na ang nasawi dahil sa lindol. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, apat na medical teams ang ipinadala at ipatutupad ng PhilHealth ang no-balance billing policy upang matiyak ang pagpapagamot ng mga biktima sa mga pampubliko at pribadong ospital. RNT