Home NATIONWIDE 85,183 PDL napalaya ng BJMP mula 2023 hanggang 2025

85,183 PDL napalaya ng BJMP mula 2023 hanggang 2025

MANILA, Philippines – Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mabigyan solusyon ang decongestion ng mga detention cell sa bansa nakapagpalaya ang BJMP ng 85,183 na Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ating mga  jail facilities.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera sa bilang na 85,183 na PDL na pinalaya umabot sa 296 percent ang napalaya simula noong taon 2023 ng nakalipas na taon hanggang 2025.

Sa ginanap na BJMP 34th anniversary sinabi ni Director Rivera na isa sa malaking pagbabago sa ating mga jail facilities ay naibsan ang mga jail decongestion ng mga PDL welfare.

“Isa sa naging malaking hamon sa BJMP nitong nakalipas ay kung paano mabibigyan solusyon ang decongestion ng mga jail facilities sa bansa, at nabigyan solusyon naman ito sa pamamagitan ng programa para sa Paralegal Support Services” ng ating mga PDL” ayon pa kay Rivera.

Sinabi pa ni Director Rivera na kabilang sa mga programang ipinatupad ng BJMP ay ang pag-graduate ng 3,152 PDL at ang pagbibigay ng livelihood  program sa may 66,354 PDL upang maturuan silang maghanapbuhay kahit sila’y nasa detention facilities.

“Kabilang sa mga PDL na nakapagtapos ng kanilang education habang nasa jail facilities ay ang pag-graduate ng 107 PDL bilang college graduate” sinabi pa ni Rivera.

Kaugnay nito sinabi naman ni DILG Sec. Juanito Victor Remulla na malaki ang ginagampanan papel ng mga BJMP upang muling maituwid ang buhay ng mga PDL at muling maging mabuting mamamayan ng ating institusyon ayon pa sa DILG chief.

Sinabi pa ni Remulla na ang sakripisyong ito ng ating mga BJMP ay walang kapantay ayon pa sa DILG chief. (Santi Celario)