MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 300 pamilya ang nawalan ng bahay nang masunog ang isang residential area sa Sampaloc, Maynila sa kasarapan ng tulog, Miyerkuels ng madaling araw.
Sa progress report ng Manila Police Disrict (MPD), alas 12:32 ng madaling araw nang mangyari ang sunog sa kahabaan ng M. Dela Fuente St., kanto ng Amelia St., Brgy.439 at 488, Sampaloc, Maynila.
Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at naideklarang fire out ganap na alas 5:44 ng umaga.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa dahilan ng pagsiklab ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala o natupok ng apoy.
Wala ring naitalang casualty o sugatan sa sunog.
Samantala, agad namang binisita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga nasunugan upang makita ang kanilang sitwasyon.
Pagtitiyak ni Mayor Isko sa mga residente, tutulong ang pamahalaang lungsod upang sila ay muling makabangon muli.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)