MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang 9-anyos na batang lalaki matapos na bugbugin ng limang High School students sa Iligan City, Lanao del Norte.
Sa ulat, pauwi na umano ang Grade 3 na estudyante nang siya ay pagtulungang bugbugin.
Dinala sa ospital ang biktima matapos magkaroon ng lagnat at pananakit ng ulo.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.
Samantala, natunton na ng mga opisyal ng barangay ang limang suspek.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, sinubukan ng biktima na pigilan ang away sa pagitan ng dalawang bata.
Samantala, determinado naman ang ama ng biktima na magsampa ng reklamo laban sa mga suspek. RNT/JGC