Bulacan – Arestado ang siyam na indibiduwal habang nasamsam ang P199,512.00 shabu at baril sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito nitong Setyembre 18.
Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng San Jose Del Monte (SJDM), apat na drug suspect ang kanilang naaresto bandang 9:15 ng gabi sa Brgy. Poblacion 1.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachers ng hinihinalang shabu na nasa halagang P102,000.00, cal .38, mga bala at buy-bust money.
Kaugnay nito, ayon sa ulat ng Meycauayan, Angat, Malolos, Guiguinto at Plaridel police station, limang indibiduwal ang naaresto nila sa magkakahiwalay na operasyon.
Nasamsam din sa operasyon ang 15 sachets ng hinihinalang shabu na nasa halagang P97,512.00 at buy-bust money.
Samantala, 19 ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office sa bisa ng warrant of arrest sa magkakahiwalay na operasyon sa kaparehong petsa.
Nabatid na kabilang sa mga nahuli ang mga wanted persons na nahaharap sa kasong Qualified Theft, Theft, paglabag sa Batas Pambansa Blg 22, robbery, paglabag sa Mandatory City Ordinance, Acts of Lasciviousness, paglabag sa Republic Act No. 9262, Statutory Rape at Unjust Vexation.
Sinasabing ang mga naarestong wanted persons ay isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso bago iharap sa mga kinauukulang korte, ainsunod sa umiiral na batas. Dick Mirasol III