Home NATIONWIDE 9 kandidato ng Alyansa pasok sa Magic 12

9 kandidato ng Alyansa pasok sa Magic 12

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 12 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Santa Rosa City, Laguna sa Sabado (Marso 22, 2025). Hindi sumali sa sortie sina Senator Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar sa ikalawang sunod na araw. Cesar Morales

MANILA, Philippines- Siyam na kandidato ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang pasok sa pinakahuling senatorial survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Ang survey na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20 ay kinomisyon ng Stratbase Consultancy.

Kapwa pasok sa No. 1 at 2 slots sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at reelectionist Senator Bong na kapwa nakakuha ng 42%.

Sumunod naman sa 34% o 3rd at 4th place sina dating Senate president Vicente “Tito” Sotto III at independent candidate Ben Tulfo.

Pasok pa sa Alyansa bets sina Senator Lito Lapid (5th place), Senator Ramon Revilla Jr. (6th place) Senator Pia Cayetano (7th place), Senator Panfilo Lacson (8th place) habang nasa 11th hanggang 13th spot naman sina Makati Mayor Abby Binay, dating Senator Manny Pacquiao at House Deputy Speaker Camille Villar.

Ang iba pang Alyansa bets na sina dating Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ay nasa 18th spot habang si reelectionist Francis Tolentino ay nasa ika-20.

Ang ibang kandidto naman na pasok sa Top 12 ay sina reelectionist Ronalde dela Rosa (9th) at independent candidate Willie Revillame na nasa 10th spot.

Ang nationwide survey ay ginawa sa pamamagitan ng interview format sa may 1,800 registered voters.

Samantala, sa nasabi ring survey ay bumaba sa ika-16 pwesto si reelectionist Senator Imee Marcos na dati ay nasa ika-14 pwesto habang sina dating senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino ay nasa ika-14 at ika-15 pwesto. Gail Mendoza