Home METRO 9 LTO enforcers sa Caraga tiklo sa panunuhol

9 LTO enforcers sa Caraga tiklo sa panunuhol

1
0

BUTUAN CITY — Siyam na enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa Caraga Region ang inaresto sa isang entrapment operation sa Buenavista, Agusan del Norte dahil sa umano’y pagkakasangkot sa panunuhol.

Ayon kay Police Regional Office-13 information chief Lt. Col. Jennifer Ometer, nakipag-ugnayan ang LTO Manila sa pulisya upang maisagawa ang operasyon laban sa mga suspek noong Huwebes.

Pinangunahan ng mga tauhan ng intelligence division ng PRO-13 at Buenavista Municipal Police Station ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na enforcer.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Buenavista Municipal Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila.

Mahaharap ang mga ito sa kasong direct bribery at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here