Home NATIONWIDE 9 opisyal ng PNPA, iimbestigahan sa hazing ng ilang kadete

9 opisyal ng PNPA, iimbestigahan sa hazing ng ilang kadete

95
0

MANILA, Philippines – Siyam na opisyal ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang inirekomenda ng Directorate for Investigation and Detection Management na isailalim sa pre-charge investigation kaugnay ng sinasabing hazing ng ilang kadete.

Ang sinasabing insidente ng hazing ay kinasasangkutan ng hindi bababa sa 22 PNPA freshmen na nagtamo ng paso at mga sugat matapos umanong malantad sa halo ng drain cleaner at muriatic acid sa loob ng kanilang barracks sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite noong Abril 3.

Tatlong sophomore cadet ang tinukoy na responsable sa insidente at inaresto makalipas ang apat na araw.

Sa hiwalay na pahayag nitong Linggo ng gabi, sinabi ng PNP na may apat pang kadete na natukoy bilang direktang sangkot sa umano’y hazing, ngunit hindi pa inilalabas ang kanilang mga pangalan at detalye.

Hindi pa rin nililinaw ng PNP kung nasa kustodiya na ang apat na karagdagang tinukoy na sangkot. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here