Home NATIONWIDE 9 proyekto ng DOLE pinayagan sa kabila ng election ban spending

9 proyekto ng DOLE pinayagan sa kabila ng election ban spending

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawin ang kanilang proyekto sa gitna ng Election Ban dahil sa 2025 mid-term at BARMM elections.

Salig kasi sa Omnibus Election Code, ang paglalabas, pagpapakalat, at paggastos ng public funds para sa social services at mga proyektong may kinalaman sa pabahay ay hindi pinapayagan.

Sinabi ng Comelec sa naunang rekomendasyon ng law department nito na hindi makakaimpluwensiya sa botohan ang tukoy na siyam na proyekto ng DOLE.

Kasama sa mga inaprubahan ni COMELEC Chair George Erwin Garcia ang Special Program for Employment of Students, Government Internship Program, JobStart Philippines Program, Child Labor Prevention and Elimination Program at ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program kahit pa may election ban.

Wala rin umanong magaganap na pamamahagi ng AICS o Assistance to Individual in Crisis Situation mula May 02 Hanggang May 12 maliban sa mga normal na ibinibigay sa mga kuwalipikadong indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)