AUSTRALIA – Sugatan ang siyam na indibidwal kung saan isa rito ang kritikal matapos araruhin ng isang kotse ang mga manonood sa isang racing event sa southeastern Australia.
Ang kotse ay bahagi ng racing event nitong Sabado, Nobyembre 15 nang tumalsik ang kotse sa bakod at tumama sa mga nanonood sa Walcha, 300 kilometro hilaga ng Sydney.
Nagtamo ng “critical injuries” ang 54-anyos na lalaki.
Ang mga nasaktan ay nasa pagitan ng edad 20 at 75.
Ayon sa pulisya, ang drayber ay sangkot sa “on-track collision” ilang sandali bago ang pagsalpok. RNT/JGC