MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipapasa nito ang rekomendasyon sa proposed fare hike para sa public transport vehicles sa Department of Transportation (DOTr) bukas, Nobyembre 17.
Ayon kay LTFRB chairman Vigor Mendoza II, sinusuri na ng ahensya ang mga impormasyo na nakalap mula sa iba’t ibang transport group at mga commuter sa buong bansa.
Ikinokonsidera ng LTFRB ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo at operational cost sa assessment nito.
Matagal nang isinusulong ng transport groups ang P1 provisional fare increase.
Noong Agosto, tinutulan ng LTFRB ang fare hike proposal at sinabing nagbigay na ito ng fuel subsidies sa halip na makadagdag pa sa bigatin ng mga commuter. RNT/JGC