MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 26, 2025, 32,698 personnel ang napatunayang may sala sa administratibong kaso, at 9,027 ang na-dismiss sa serbisyo.
Iba pang parusa ang demotion, suspension, forfeiture ng sahod, reprimand, restriction, at withholding ng pribilehiyo.
Sa mga na-dismiss, 1,037 ay sangkot sa droga o positibo sa ilegal na gamot. Sa unang 92 araw ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., 428 personnel ang na-dismiss, 71 na-demote, at 448 ang na-suspend mula sa 2,308 personnel na sangkot sa 1,339 administratibong kaso.
Binigyang-diin ni Nartatez ang zero-tolerance policy: “Walang lugar para sa ‘rogue cops’ sa institusyong ito… ang tiwala ng publiko ay hindi mapagpapaliban.”
Tiniyak niya na hindi maaapektuhan ang morale ng PNP, at 95% ng mga opisyal ay gumaganap nang maayos sa kanilang tungkulin. Santi Celario