MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Pope Francis ang pinakabatang Catholic prelate ng bansa bilang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan sa Oriental Mindoro.
Inanunsyo ng Vatican noong Huwebes ang pagkakatalaga ng 49-anyos na si Bishop Moises Cuevas, kasalukuyang auxiliary bishop ng Archdiocese of Zamboanga, iniulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang news website noong Biyernes.
Si Cuevas, na nagmula sa Batangas City, ay naordinahan bilang pari ng Zamboanga archdiocese noong 2000.
Marso 2020 nang itinalaga siya ng Santo Papa bilang auxiliary bishop ng archdiocese.
Si Cuevas din ang apostolic administrator ng Archdiocese of Zamboanga habang hinihintay ang installation ng bagong Zamboanga Archbishop Julius Tonel sa Agosto 22.





