Home NATIONWIDE Marawi bombing kinondena sa Senado: ‘Atake ng demonyo’

Marawi bombing kinondena sa Senado: ‘Atake ng demonyo’

133
0

MANILA, Philippines- Matinding kinondena ng ilang senador ang pambomba sa Marawi City at nagpahatid ng pakikiisa sa biktima at kanilang pamilya.

Magkakahiwalay ang pahayag ng ilang senador na pinangunahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang privilege speech sa pagsasabing, “The act was cruel and barbaric that victimized unsuspecting mass-goers.”

Matapos ipakita ang graphic video at larawan ng biktima at lugar matapos ang pambobomba, sinabi ni Dela Rosa na hindi mapapatawad ang pambobomba na ikinatamay ng inosenteng sibilyaan kaya’t hinikayat ng dating hepe ng pulisya na tiyakin na matutuldukan ang paghahasik ng terorismo.

Nanawagan din ang senador sa local government units na maging mapagmatyag at sa buong bansa at “magdasal at huwag mawalan ng pananampalataya.”

Pinasalamatan din niya ang Supreme Court sa pagtataguyod ng anti-terror law, saka sinabing kailangan ang interbensyon sa terorismo bago ito makapanakit nang hindi isinasakripisyo ang Bill of Rights.

Nakiramay naman si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa nagdadalamhating pamilya at biktima saka kinondena ang “senseless and cowardly act.”

Nanawagan din ang senador sa AFP at law enforcer na tugisin ang suspek at bigyan ng katarungan ang biktima.

“This demonic attack is not just an assault on a particular group; it is an attack on every individual’s right and fundamental freedom. We denounce this senseless act that aims to divide our nation and assaults our shared values of harmony, peace, and coexistence,” ayon kay Villanueva sa kanyang manifestation sa ginanap na Senate session.

Nakidalamhati rin si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa namatay at sugatan matapos ang pagsabog. Nagpahayag din ng suporta ang senadora sa Bangsamoro bilang tugon at pagbibigay ng ayuda sa biktima.

Inilarawan naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang trahedya bilang: “ruthless assault on our humanity” at nanawagan ng masusing imbestigasyon “to swiftly ensure that the perpetrators are brought to justice.”

“The Mindanao State University (MSU) community also needs support and compassion to heal and recover and that state universities should be protected from all acts of violence,” ani Gatchalian.

Naghain din ng resolusyon si Gatchalian upang kondenahin ang pambobomba saka nanawagan sa awtoridad na kumilos upang maiwasan ang katulad ng pag-atake.

Sinabi naman ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na walang puwang ang pambobomba sa  lipunan saka nakisimpatya sa pamilya ng biktima.

Aniya, walang idolohiyang makapagkakatuwiranan sa barbarikong pagkilos.

“Napakawalang puso, napakalupit. Mahihiya si Satanas sa kasamaan ng mga gumawa nito,” ayon kay Revilla.

“Ano man ang rason, hindi dapat buhay ng mga inosente at walang kinalaman sa kaguluhan ang kapalit. Napaka-sagrado ng buhay. Kailanman ay hindi magiging sapat ang ano mang ideolohiya at ipinaglalaban upang ipang-tubos sa buhay ng mga walang muwang na nagkataon lamang na mapayapang dumadalo sa misa. Saan mang anggulo tingnan, ang ganitong klaseng kabuhungan ay hindi kayang bigyan ng katwiran,” dagdag niya.

Nakiisa din si Sen. Robin Padilla sa nagdadalamhating pamilya sa pagsasabing hindi papayagan ng Muslim na pumatay ang inosente at malaya ang lahat na pumili ng kanilang relihiyon.

Kinondena din ni Sen. Raffy Tulfo ang pambobomba saka sinabing, “Ruthless act and act of terrorism has no place in the society. Nakiramay ang senador sa pamilya ng biktima saka tiniyak na kanyang tututukan ang imbestigasyon hanggang madakip ang lahat ng salarin.”

“Ito po at plain and simple na kaduwagan. Mga kababayan, huwag po tayong papayag na sirain nito ang kapayapaan,” ani Tulfo.

Sinabi naman ni Sen. Bong Go na pawang karugwagan ang pag-atake ng terorismo saka ipinahatid ang pakikiramay sa pamilya ng biktima. Nanawagan din ang senador mulang Davao City na tugisin ang lahat ng salarin sa insidente.

“The act of hate and violence has no place and called for justice against the Islamic State, which has claimed responsibility for the attack. The claim has yet to be verified by the security sector,” ayon naman kay Senador Risa Hontiveros.

Nagpahayag din ng suporta si Hontiveros sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police habang iniimbestiahan ang atake. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here