Home METRO Totoy na umakyat sa puno ng mangga, nakuryente

Totoy na umakyat sa puno ng mangga, nakuryente

TACLOBAN CITY-MAAGANG binawian ng buhay ang isang 15-anyos na binatilyo matapos mahulog sa puno ng mangga makaraan sumabit ang paa nito sa live wire, Martes sa lungsod na ito.

Binawian ng buhay nang dalhin sa ospital ang biktimang hindi pinangalanan sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at nalapnos ang mga balat nito.

Ayon kay PLt. Rodolfo De Mesa, OIC chief of Police Kawayan Municipal Police Station, umakyat ang biktima sa puno ng mangga sa tapat ng kanilang bahay sa Brgy. San Lorenzo, Kawayan, Biliran.

Kwento ng ilang saksi, hindi napansin ng biktima ang live wire na nakasabit sa puno ng mangga at nasagi ng kanyang paa.

Sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ng biktima bigla na lamang itong bumagsak at nalapnos ang mga balat. Mary Anne Sapico