Home METRO Totoy nasabugan ng pla-pla!

Totoy nasabugan ng pla-pla!

184
0

MANILA, Philippines-  Nasabugan ng pla-pla ang 10-gulang na batang lalaki sa Caloocan City, ilang minuto bago sumapit ang bagong taon. 

Sinabi ni Marlon Relly, ama ng bata, nagpapaputok sa labas ng kanilang bahay ang anak kasama ang iba nilang kapamilya.

“Nung inalis niya ‘yung pla-pla, akala niya wala nang sindi. Nung paghawak niya, biglang pumutok sa kamay niya, saka sa mukha niya saka sa paa,” paglalahad ni Relly. 

Isinugod ang hinimatay na bata sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sa Caloocan, subalit inilipat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Maynila.

“Sana po ‘wag na po maulit, ‘wag po tularan ng ibang bata,” wika ni Relly.

Aabot sa 40 indibidwal ang naitalang nasugatan ng mga paputok sa nasabing ospital. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here