MANILA, Phillippines- Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko partikular ang mga bata na huwag mamulot ng mga paputok na hindi nasindihan o pumutok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, dapat buhusan ng tubig ang mga paputok bago ito itapon at ilayo sa mga bata.
Nitong Linggo, nakapagtala ng karagdagang walong kaso ng firework-related injuries na nagdala sa kabuuang bilang ng mga biktima sa 115 ngayong holiday season.
Sinabi ni Tayag na umaasa ang ahensya na ang kabuuang bilang ng firework-related injuries ngayong holiday season ay hindi na lalampas sa naitalang bilang noong nakaraang taon na umabot sa 307. Jocelyn Tabangcura-Domenden