Home ENTERTAINMENT Musoleo ni Yzabel, nakatayo na!

Musoleo ni Yzabel, nakatayo na!

161
0

Manila, Philippines- Constructed na ang mausoleum na nilagakan ng mga labi ni Yzabel Ablan.

Si Yzabel ang anak ng dating aktor at ngayo’y MMA fighter na si Mickey na karelasyon noon ng Starstruck alumna na si Iwa Moto bago dumating sa kanyang buhay ang komedyanteng si Janna Dominguez na nasa cast ng Pepito Manaloto.

Kahit hindi biological na anak, kapwa itinuring nina Iwa at Janna like their own si Yzabel.

Matatandaang pumanaw si Yzabel sanhi ng lung infection at heart disease.

Nasa condo unit siya nang atakihin kasama ang kanyang yaya, samantalang nasa Angeles City sa Pampanga sina Mickey at Janna na dali-daling lumuwas ng Maynila.

Bago itinakda ang kanyang libing, masusi pang pinagdesisyunan ng mga naulila ni Yzabel kung ike-cremate ito o hindi.

Noong nabubuhay, dapat pala after graduation ni Yzabel ay bibitawan na niya ang kanyang condo unit.

Titira na raw ito dapat sa “real house” na malapit sa kanyang mga magulang.

Lumaki kasing independent-minded ang dalaga who hardly complained kahit may nararamdaman nang hindi maganda sa kanyang kalusugan.

Sa mausoleum nito, iniisip na lang ng magkarelasyong Mickey at Janna “that we’re getting her home” para muling makapiling.

Yzabel was 20 when she passed away.

Ayon kay Mickey, in a way ay nagi-guilty siya dahil he wasn’t always around for his daughter.

Yzabel left the mortal world kung kailan naman isinilang ni Janna ang kanyang baby half-brother the day after. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here