Home NATIONWIDE Filipino lawyer nanumpa bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey

Filipino lawyer nanumpa bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey

151
0

UNITED STATES – Nanumpa na bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey ang isang Filipino lawyer na si Arvin Amatorio.

Si Amatorio ay ipinanganak at lumaki sa Baler, Aurora na kumuha ng law degree sa San Beda College at nag-aral ng economics sa Colegio de San Juan de Letran.

Habang nasa Pilipinas, nagtrabaho si Amatorio sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 1996 kung saan niya nakilala ang kanyang asawa na si IIya Evangelista Amatorio.

Naunang lumipad patungong America ang asawa, kung kaya’t sumunod doon si Arvin at saka nagpasya na tuluyan nang manirahan sa America.

Noong 2006 ay natanggap ni Amatorio ang kanyang lisensya para magsanay sa pagiging abogado sa New York at New Jersey.

Bago maging alkalde noong 2019, nagsanay din si Amatorio ng immigration law kung saan nakatulong ito sa maraming mga pamilya at doon na siya mas nakilala.

Walang tumutol sa pagpapatuloy ng ikalawang termino ni Amatorio bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey.

Maliban kay Amatorio, dalawa pang Filipino-Americans ang nahalal bilang councilmen, ito ay sina Marc Pascual mula Pasay at Buddy Deuna mula sa Bicol.

Si Amatorio ang ikalawang Filipino na makakuha ng posisyon bilang alkalde ng Bergenfield makalipas ang dalawang dekada.

Sa kanyang speech, ipinagmalaki ni Amatorio na siya ay anak ng isang public school teacher mula sa Baler, Aurora, na nagturo sa kanyang kahalagahan ng public service. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here