Home HOME BANNER STORY TINGNAN: Listahan ng long weekeneds ngayong 2024

TINGNAN: Listahan ng long weekeneds ngayong 2024

114
0

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na planuhing mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024.

“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram.

“Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon,” dagdag na wika ng Pangulo.

Narito ang listahan ng long weekends:

  • March 28 (Maundy Thursday), 29 (Good Friday), 30 (Black Saturday) at 31 (Easter Sunday)

  • August 24 (Sabado), 25 (Linggo) at 26 (National Heroes Day)

  • November 1 (All Saints’ Day), 2 (All Souls’ Day) at 3 (Linggo)

  • December 28 (Sabado), 29 (Linggo), 30 (Rizal Day) at 31 (Huling araw ng Taon, isang special non-working day)

Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon ay ipinalabas ng Malakanyang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2024.

Ang listahan ng regular holidays ay nakasaad sa ilalim ng Proclamation 368 na may petssang Oktubre 11, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kung saan idineklara ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod:

  • January 1 – New Year’s Day

  • March 28 – Maundy Thursday

  • March 29 – Good Friday

  • April 9  – Araw ng Kagitingan

  • May 1 – Labor Day

  • June 12 – Independence Day

  • August 26 – National Heroes Day (Huling Lunes ng Agosto )

  • November 30 – Bonifacio Day

  • December 25 – Christmas Day

  • December 30 – Rizal Day

Gayunman, hindi naman kasama sa listahan ang Pebrero 25, tanda ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang nasabing event ang tumuldok sa tinatawag na ‘decades-long rule’ ng ama ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Paliwanag ng Malakanyang, hindi isinama sa listahan ang pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution dahil ang Pebrero 25, 2024 ay pumatak sa araw ng Linggo.

Samantala, idineklara rin ng Malakanyang na holiday sa ilang lalawigan para gunitain ang kanilang founding anniversaries o pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan.

“Proclamation No. 424 declared February 3 a holiday in Cabanatuan City, Nueva Ecija, as this marks its 74th founding anniversary. On the other hand, through Proclamation No. 423, Palace also declared January 26 a special non-working day in Cadiz City, Negros Occidental for the celebration of the Dinagsa Festival,” ayon sa Malakanyang.

Sa Lipa City, Batangas, idineklarang holiday ang Pebrero 20 sa ilalim ng Proclamation No. 422 para ipagdiwang ang Coffee Festival.

Sa bisa naman ng Proclamation No. 417, idineklara ang Enero 29 bilang special non-working day sa Tantangan, South Cotabato para gunitain ang ika-63 taong anibersaryo at maging ang Kulitangtang Festival. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here