Home NATIONWIDE Tsina nagpatrolya sa S. China Sea

Tsina nagpatrolya sa S. China Sea

140
0

BEIJING- Magsasagawa ang militar ng China ng routine patrols ng naval at air forces nito sa South China Sea hanggang ngayong Huwebes, ayon sa Southern Theater Command ng militar ng bansa, sa pag-init ng tensyon sa rehiyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Hindi tinukoy ng militar ng China ang kung saan eksaktong isasagawa ang pagpapatrolya  sa pag-anunsyo nila na nagsasagawa ang Pilipinas at ang Estados Unidor ng two-day joint patrol katubigan, na posibleng hindi ikinatuwa ng Beijing.

Nagsimula ang ikalawang maritime exercise sa pagitan ng Manila at Washington sa loob ng wala pang dalawang buwan, at kasunod ng babala ng Beijing sa Pilipinas na tutugunan ng China ang anumang miskalkulasyon sa ummigting na alitan sa South China Sea.

“What we are witnessing is the US and China engaging each other in a dangerous game of shadowboxing in the South China Sea,” pahayagi ni nternational studies professor Renato de Castro.

Anang militar ng China, nakaalerto ito sa lugar at dedepensahan ang national sovereignty, seguridad at maritime rights.

Nilalayon din ng pagpapatrolya na pigilan ang anumang aktibidad sa South China Sea at lumikha ng “hot spots,” ayon sa militar sa Southern Theater Command’s Wechat account.

“Chinese actions are pushing (the Philippines) further to U.S. arms. China has no one to blame for closer US-Philippine security relations but itself,”giit ni De Castro.

Inihayag ng militar ng Pilipinas nitong Miyerkules na kalahok sa ikalawang joint patrol ngayong linggo ang apat na vessels mula sa Philippine navy at apat na barko ng U.S. Indo-Pacific command kabilang ang aircraft carrier, isang cruiser at dalawang destroyers. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here