Home ENTERTAINMENT Kathryn at Daniel, ‘behaved’ sa kasal nina Robi at Maiqui!

Kathryn at Daniel, ‘behaved’ sa kasal nina Robi at Maiqui!

105
0

Manila, Philippines – Mature individuals as they are, hindi gumawa ng anumang eksena ang dating magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa inatenan nilang kasal.

Bahagi ng entourage si Kathryn sa pag-iisang-dibdib nina Robi Domingo at Maiqui Pineda kamakailan.

The reason why Daniel was not partnered with his former girlfriend ay dahil imbitado lang siya.

That also explains why naka-short sleeved polo lang ang aktor, prompting netizens to think na

“underdressed” daw si Daniel for the occasion.

Nirespeto lang nina Robi at Maiqui ang former couple na alam nga nilang hiwalay na.

It would have been awkward kung ipapartner pa sila, with Robi and Maiqui thinking perhaps na kung hindi naghiwalay ang mga ito’y sa kasalan din mauuwi ang kanilang relasyon.

Ang maganda, both Kathryn and Daniel knew na hindi nila moment ‘yon, hence hindi sila nakipag-agawan ng eksena.

Kung may napansin man sa mga kilos ng dating magnobyo, ‘yun ay nang lapitan ni Daniel si Kathryn.

Nasapul din sa video ang maikling pag-uusap nila.

Kung anuman ang kanilang pinag-usapan, it’s for the KathNiel fans to make their imagination work.

Isa lang ang tiyak, Daniel would not have had the guts para sabihing ganoon din sana ang nangyari sa kanila ni Kathryn hadn’t they broken up.

Still on the video, halatang nasa road to recovery na o naka-recover na nang tuluyan si Kathryn from the heartbreak.

Tila signal ‘yon na ipinaaabot niya kay Daniel na mag-move on na rin ang dating nobyo.

And by that, kasama roon ang itigil na ni Daniel ang paghahanap ng mga padrino o go-between to persuade Kathryn na pumayag makipagbalikan sa kanya.

Ganern! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here