Home NATIONWIDE 13 Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa mga spa, health clinic inaresto ng...

13 Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa mga spa, health clinic inaresto ng BI

159
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration Intelligence Division ang 13 Vietnamese nationals na nagtatrabaho umano sa bansa nang walang kaukulang dokumento.

Ang mga dayuhan ay nagtatrabaho sa iba’t ibang health spa at clinic sa Makati, Parañaque, at Pasay City.

“Meron pong nagtatrabaho illegally at nagtatrabaho ng mga walang kaukulang permits at visas o kaya naman ang kanilang visa was issued to another company,” sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval.

Minomonitor ng ahensya ang isang Vietnamese na suspek na nagmamay-ari ng isa sa mga health spa at clinic. Ang suspek ay kulang din sa kaukulang dokumento.

Samantala, isang Filipino-owned clinic naman ang kumukuha ng ilang dayuhang manggagawa na walang papeles.

“Ito po ay technically harboring illegal aliens because these aliens do not have the proper working visas or permits at nagtatrabaho sa mga establishments na ito,” ani Sandoval. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here