Home OPINION KABABALAGHAN SA FREEPORT AREA OF BATAAN

KABABALAGHAN SA FREEPORT AREA OF BATAAN

185
0

HINDI nagkamali si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtatalaga kay dating Lanao del Sur Representative Mohammed Hussein Pangandaman bilang administrador ng  Authority of the Freeport Area of Bataan.

‘Yan ang nagkakaisang pahayag ng mga ‘bigwig’ sa negosyo nang piliin noong Abril 28, 2023 ni Pangulong Marcos si Pangandaman na pamahalaan ang AFAB mula sa  mga aspirante na kilalang business experts and leaders.

Ang AFAB (nilikha sa pamamagitan ng RA 9728 – an act converting the Bataan Economic Zone located in the municipality of Mariveles) ay isa sa maituturing na business achievement ng namayapang ama ni Presidente Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kaya nang italaga si Pangandaman na AFAB head, pinaalalahanan ang dating mambabatas na pag-igihin ang pag-alaga sa AFAB dahil “mahal ko ito, bata pa ako ay nagpupunta na ako riyan,”  ang mahigpit na bilin ng Pangulo.

Wala naman dudang nagagampanan ni Pangandaman ang trabahong nakaatang sa kanyang balikat at ginagampanan niya ang responsibilidad ayon sa itinatadhana ng batas na lumikha ng naturang economic zone.

Pero sa dami ng responsibilidad na unang binibigyan ng pansin ay tila  hindi  raw umaabot sa kaalaman ng ex-Mindanao solon ang mga umano’y kababalaghang nangyayari  sa ilang opisina sa loob ng nasabing Freeport.

Nakakatanggap ng sumbong at reklamo ang Mariveles town government tungkol sa mga hocus -focus na nangyayari raw sa AFAB offices, subali’t wala silang magawa dahil “tali ang kanilang mga kamay”.

Sa mga nakaraang liderato ay may Memorandum of Agreement ang pamahalaang bayan at AFAB  na nagkakaisang pinag-uusapan para resolbahin ang reklamo’t sumbong na laging  biktima ay freeport workers.

Dahil marahil  nawala ang MOA kaya nangyayari ang hocus-focus at kababalaghan sa mga opisina sa AFAB – maliban sa law enforcement sa ilalim ni Col. Harry Sucayre, ayon din sa ulat na nakakarating sa Chokepoint.

 

Tip natin sa magiting na administrador – hubaran niya ang kalokohan ng isang ‘babaeng gurang’ na ginagamit ang kanyang opisina para maloko ang mga trabahador nang nagsarang BOAST  Inc. sa kanilang hard-earned  P42 million plus award money.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here