MANILA, Philippines – Wagi ang isang solo player na nakakuha ng P24.2-million jackpot prize para sa Lotto 6/42 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Abril 9.
Maiuuwi niya ang kabuuang P24,266,104.40 para sa jackpot ng Lotto 6/42 matapos na maswerteng mahulaan ang winning digits na 28-37-06-05-12-18.
Samantala, wala namang nanalo para sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 draw.
Ang winning combinations para sa Ultra Lotto 6/58 ay 28-57-34-17-35-19 na may jackpot prize na P59,695,583.
Ang Super Lotto 6/49 ay may jackpot prize na P15,840,000 habang ang panalong kumbinasyon ay 16-27-29-47-33-04. RNT