CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang isang dating huwes sa salpukan ng dalawang sasakyan noong Linggo sa lungsod na ito.
Kinilala ang nasawi na si retired RTC Judge Gael Padilla Paderanga, 72-anyos, residente ng Smart Condominium Upper Carmen sa naturang lungsod.
Sugatan naman ang driver ng Toyota Revo driver na si Joshua Dequiña,46-anyos, ng Brgy Mambuaya .
Sa report ng Cagayan de Oro City Police Office, umaga ng Linggo, Abril 14, 2024, nang maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Lumbia ng naturang lungsod.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Paderanga ang sasakyang Kia Sorento nang atakihin umano ito ng kanyang sakit hanggang sa sumalpok ito sa kasalubong na Toyota Revo.
Agad namang dinala sa J.R. Borja Hospital si Paderanga subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Isinugod naman sa Northern Mindanao Medical Center si Dequiña at mga sakay nito para lapatan ng lunas ang natamo nilang sugat. Mary Anne Sapico