MANILA, Philippines – Sinita ni ACT Teachers Party-List Representative France Castro ang guidelines ng Department of Education para sa alternatibong uniporme para sa mga teaching at non-teaching sa panahon ng tag-init.
Batay kasi sa inilabas na larawan ng DepEd, pinapayagan ang mga school personnel na magsuot ng collared DepEd polo shirts na ginagamit sa mga event at aktibidad ng DepEd, na kinabibilangan ng mga kulay puti, pula at berde.







