Home NATIONWIDE Tsina ‘dedma’ sa pagkabahala sa agresyon sa Pinas

Tsina ‘dedma’ sa pagkabahala sa agresyon sa Pinas

140
0

MANILA, Philippines- Ipinagsawalang-bahala lang ng Chinese Embassy sa Maynila ang pagpapahayag ng malasakit at pag-aalala ng ilang bansa kaugnay ng agresyon ng Tsina sa Philippine vessels.

Katwiran ng Embahada, hindi naman kinakatawan ng mga ito ang international community.

Dahil dito, sinisi ng Embahada ang administrasyong Marcos para sa mga nangyayari sa katubigan lalo pa’t tila ginagawa umanong ‘frontline’ ng gobyerno ang mga mangingisdang Pilipino sa maritime dispute at paigtingin ang tensyon.

Nagpalabas naman ng ilang kalatas ang Embahada matapos na paulanan ng kanilang Coast Guard ng water cannon ang dalawang Philippine ships na nagsasagawa ng food supply mission sa katubigan sa Bajo de Masinloc.

Binigyang-katwiran ng Embahada ang naging aksyon nito sabay sabing ang naturang vessels ay ilegal na pumasok sa katubigan na inaangkin at sinasabing pag-aari ng Tsina.

Sa kabilang dako, mariing kinondena ng maraming bansa kabilang na ang Estados Unidos ang pinakabagong agresyon ng Tsina.

“Over the past one year, the same batch of countries issued statements on maritime incidents between China and the Philippines,” ayon sa Embahada.

“Instead of speaking on the true merits of the matter, those statements were intended to take side. Against nearly 200 countries in the world, this batch of countries cannot represent the international community,” dagdag na pahayag ng Embahada.

Sinabi pa ng Embahada na ang Pilipinas ang siyang nagpo-provoke ng tensyon, hindi umano ito kagaya ng nakaraang administrasyon na hinawakan nang maayos ang usapin sa sea dispute.

Tinuran pa ng Embahada na ang kasalukuyang gobyerno, hindi katulad ng nakalipas “crossed the red line in Huangyan Dao,” o ang Scarborough Shoal, at anito pa’y “reneged on its own words on the management of Renai Jiao and unilaterally abandoned the Gentlemen’s Agreement, Internal Understanding and New Model agreed upon by the two sides.”

Makailang ulit naman na binanggit ng Beijing ang iba’t ibang kasunduan na pinasok ng Maynila sa kanila kaugnay sa West Philippine Sea. Subalit, wala naman itong maipakitang anumang pruweba.

“This is the real cause of maritime incidents that heightened tension in the South China Sea over the past year,” ayon sa Embahada.

Tinuran pa ng Embahada na ang administrasyong Marcos “hustles the fishfolks to the frontline of maritime disputes in the name of humanitarian assistance” para sa kanilang “political agenda.”

“This is what’s truly sad,” giit ng Embahada. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here