Home METRO 2 bigtime tulak laglag sa P3.4M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

2 bigtime tulak laglag sa P3.4M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

131
0

Bulacan- Tiklo ang dalawang pinaghihinalaang bigtime tulak matapos mahulihan ng P3,400,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na “Lex” at “Dam” na itinuturing na high value individuals.

Sa report kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ikinasa ang operasyon ng SJDM police station bandang alas-12:50 ng madaling araw nitong Mayo 12 sa Brgy. Grace Ville.

Nakumpiska sa dalawa ang walong small sachets, anim na medium sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng nasa 500 gramo at nagkakahalaga ng P3,400,000, genuine P1,000 bill, 13,000 boodle money bilang marked money at belt bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here