Home METRO Ama kalaboso sa panggagahasa sa 3 anak!

Ama kalaboso sa panggagahasa sa 3 anak!

111
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya- Tiklo ang isang 47-anyos na lalaki noong nakaraang linggo matapos umanong ilang beses pagsamantalahan ang tatlo niyang anak na babae sa Barangay Talbek, Dupax del Sur, sa lalawigang ito.

Ayon sa mga pulis, ilang beses umanong ginahasa ni alyas Mario, ang kanyang 15-anyos na anak, pinakahuli noong June 21, 2023.

Sinabi ng mga awtoridad na siyam na taon pa lamang ang pangalawang anak ay ginagahasa na ito ng suspek.

Gayundin, nakaranas ang bunsong anak ng suspek ng sekswal na pang-aabuso noong nakaraang taon.

Nahaharap si Mario sa rape cases at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dupax del Sur Police Station ang suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here