Home METRO Lolo na nanggahasa sa bata, arestado

Lolo na nanggahasa sa bata, arestado

169
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 79-anyos na lola matapos gahasain ang isang menor de edad sa Misamis Occidental.

Sa bisa ng arrest warrant, nagtungo ang mga awtoridad sa isang bahay sa Barangay Pansol, Quezon City at doon naaresto ang suspek.

Ani Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, commander ng Anonas, QC Police Station, inilabas ang arrest warrant ng Regional Trial Court ng Misamis Occidental.

Nangyari umano ang insidente Abril 2020 kung saan ginahasa ng lolo ang 9-anyos na batang babae na kapitbahay nito.

Matapos ang insidente ay doon na nagtago ang suspek hanggang sa matunton na naninirahan sa Metro Manila.

Ang lolo ay nasa 6th most wanted sa Misamis Occidental.

Tumanggi naman ang suspek na ginawa niya ang panggagahasa.

Nahaharap sa kasong statutory rape ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here